Hindi na bago ang ginawa ng China Coast Guard (CCG) na laser pointing sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Ayungin Shoal noong nakaraang linggo.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Commodore Jay Tarriela, PCG Adviser of the Commandant for Maritime Security na bago pa ang BRP Malapascua ay may nauna pang insidente noong Hunyo ng nakalipas na taon.
Ayon kay Tarriela, tumutulong din noon ang BRP Habagat, isang Coast Guard tugboat sa rotation and resupply mission nang matutukan ng laser.
Kulay asul aniya ang ginamit na laser noon na tumagal ng halos 20 minuto.
Kaya bukod sa pansamantalang pagkabulag, nakaranas din aniya ng pangangati ng balat ang mga tripulante ng tugboat.
Samantala, binanggit din ng opisyal na sa kanilang report sa National Task Force West Philippine Sea ay isinama nila ang madalas na pagtitipon-tipon ng maritime militia ng China sa isang maritime area sa WPS.
Umaabot aniya ang bilang ng mga ito mula 100 hanggang 150.