DepEd, kinalampag kaugnay ng benepisyo ng mga guro

Nagrally sa tanggapan ng Department of Education (DepEd) sa Meralco Avenue, Pasig City ang mga guro na miyembro ng Alliance of Concerned Teachers-NCR.

Isinigaw ng mga guro ang tinawag nilang state of the heart, ngayong Valentine’s Day.

Kabilang sa inihirit ng mga guro ang ₱10,000 na dagdag allowance gayundin ang kanilang overtime pay noong nakalipas na taon na hindi pa naibibigay hanggang ngayon.


Ang pagkilos ng mga guro ay bahagyang nagdulot ng pagbibigat ng daloy ng trapiko sa Meralco Avenue matapos nilang i-okupa ang isang linya ng kalsada.

Facebook Comments