Blackwater Elite, bigong makapasok sa play-offs sa PBA Commissioners Cup

130

Manila, Philippines – Bigong makapasok sa play-off Blackwater Elite matapos talunin ng barangay San Miguel sa iskor na 96-82.

Naging bida sa San Miguel si Justin Brownless na nakapagtala ng 35 points, 14 rebounds at limang assists.


Nag-ambag naman ng 17 points, pitong rebounds at limang assists si LA Tenorio at mayroong 15 points at anim na rebounds si Japeth Aguilar.

Hawak pa ng Blackwater ang kalamangan sa third quarter 57-49 hanggang makahabol ang gins sa 15-2 runs at mabaligtad ang kalamangan.

Nasa pangalawang puwesto na ang Ginebra na mayroong record na pitong panalo at dalawang talo habang tuluyan ng napatalsik sa playoffs ang blackwater na mayroong dalawang panalo at walong talo.

DZXL558




Facebook Comments