Globe Telecom, magko-comply sa utos ni Duterte na pagandahin ang serbisyo ng telcos

Susunod daw ang Globe Telecom sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbutihin ng mga telecommunication company ang kanilang serbisyo bago matapos ang Disyembre.

Sa isang pahayag, sinabi ng kompanya na patuloy ang pag-iinvest nila ng bilyun-bilyong dollar upang ma-upgrade ang network sa lalong madaling panahon.

Ayon pa sa pamunuan ng telco, gumaganda na raw ang kanilang serbisyo kaya unti-unti na silang nakikilala sa iba’t-ibang panig ng mundo.


Aminado naman ang Globe na mayroon silang problemang nararanasan kagaya umano ng tagal sa pagproseso ng permit ng cell sites at pagkakabit ng fiber sa mga kabahayan.

Sa kaniyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na kakausapin ang Kongreso para tanggalin sa industriya ang Smart Communications at Globe Telecom, kung sakaling palpak pa rin ang serbisyo nila sa taumbayan.

“Kindly improve the services before December. I want to call Jesus Christ in Bethlehem, better have that line cleared… If you are not ready to improve, I might just as well close all of you and we revert back to the line telephone at kukunin ko ‘yan expropriate ko sa gobyerno,” saad ni Duterte nitong Lunes.

Facebook Comments