GMRC | DepEd, planong baguhin ang curriculum

Manila, Philippines – Plano ng Department of Education (DepEd) na baguhin ang school curriculum.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, nagbabago ang pag-uugali ng mga bata ngayon at madalas itong sinisisi sa edukasyon.

Ani Briones, una muna nilang ituturo sa mga estudyante ang Good Manners and Right Conduct (GMRC), pagbibilang at pagbabasa sa unang tatlong taon nito.


Isasama rin aniya ang preventive drug education para sa edad siyam.

Sisimulan naman ang pagtuturo ng reproductive health sa mga nasa sampung taong gulang.

Facebook Comments