Go signal mula sa DFA para itaas sa Alert Level 4 ang status sa Israel at Iran matapos makisali ang US sa giyera, hinihintay na lang ng DMW

Nakasalalay pa rin sa assessment ng Department of Foreign Affairs o DFA ang desisyon kung kailangan na bang itaas sa Alert Level 4 ang status sa Israel at Iran.

Kasunod na rin ito ng pag-atake ng Estados Unidos sa Iran nuclear facilities.

Ayon kay Department of Migrant Workers o DMW Sec. Hans Leo Cacdac, sa sandaling magbigay na ng go signal ang DFA para itataas sa alert level 4 ang status mula sa kasalukuyang Alert Level 3 ay agad aalalay ang DMW sa mga Pinoy na apektado ng giyera sa dalawang bansa.

Makikipag-ugnayan din ang DMW sa mga embahada ng Pilipinas sa Iran at Israel.

Sa ngayon, nakatutok ang DMW sa mga Pilipinong nais munang umuwi sa Pilipinas na nag-avail ng voluntary repatriation at nakatutok sa mga ibibigay na tulong pagdating ng bansa.

Facebook Comments