Gobernador ng Bataan at alkalde ng Hermosa, maswerteng nakaligtas matapos magloko ang sinasakyang helicopter

Bataan – Maswerteng nakaligtas ang gobernador ng Bataan at ang alkalde ng Hermosa makaraang magloko ang sinasakyan nilang helicopter at nag-emergency landing sa Balanga City, Bataan.

Sa ulat ni Bataan PNP Director Senior Supt. Benjie Silo Jr., lulan ng Robinson R44 na helicopter si Governor Abet Garcia at Hermosa Mayor Jopet Inton na siya ring pilot ng naturang helicopter nang magkaroon ito ng engine trouble.

“Ok naman kami at ligtas at nakalanding kami sa isang open field” ito ang mensaheng ipinadala ng pilotong si Mayor Inton.


Facebook Comments