Gobernador ng Isabela Province, iginiit na hindi dapat sisihin ang pagpapakawala ng tubig ng mga dam sa malawakang pagbaha

Iginiit ng Gobernador ng Isabela Province na hindi dapat sisihin ang ginawang pagpapakawala ng tubig ng mga dam sa nangyaring malawakang pagbaha sa lalawigan.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Isabela Governor Rodolfo Albano III na hindi naman kasalanan ng mga dam kung marami ang ibinuhos na tubig ulan ng nagdaang Bagyong Ulysses.

Paliwanag ni Albano, kung hindi nagpakawala ng tubig ang dam ay posibleng milyon-milyong katao ang masawi mula lalawigan ng Isabela hanggang Cagayan.


Sa ngayon, unit-unti na aniyang bumababa ang tubig baha pero kinakailangan pa ring i-drege ang Aparri River para mas mapabilis ang paghupa ng tubig baha sa lalawigan.

Facebook Comments