Pangulong Duterte, tiniyak na babangon ang bansa mula sa mga pinagdaanang kalamidad

372

Siniguro ni Pangulong Rodrigo Duterte na makakabangon ang Pilipinas mula sa mga pinagdaanang kalamidad.

Sa kaniyang talumpati kahapon, sinabi ng Pangulo na makakarating ang tulong sa mga apektado ng mga dumaang bagyo sa lalong madaling panahon.


Naniniwala aniya si Pangulong Duterte na kahit mahirap ay makakabangon tayo dahil likas na sa atin ang pagiging matatag.

Kasabay nito, inanunsiyo rin ng Pangulo na bumuo na siya ng Task Force na magsasagawa ng rehabilitasyon at relief efforts sa mga lugar sa bansa na pinakatinamaan ng mga nagdaang bagyo.

Facebook Comments