Gobernador, Pupulungin ang lahat ng Alkalde sa Isabela sa Epekto ng Bagyong Rolly

Cauayan City, Isabela- Pupulungin ni Isabela Governor Rodito Albano III ang lahat ng alkalde bilang bahagi ng paghahanda sa posibleng epekto ng Bagyong Rolly sa probinsya.

Ayon kay Albano, nais na masiguro ang kaligtasan ng lahat ng Isabeleño ngayong banta para sa lalawigan ang magiging epekto ng nasabing bagyo.

Sa kabila nito, inaasahan naman na ipapamahagi ang nasa 32 dump truck sa iba’t ibang barangay sa lungsod ng Ilagan upang magamit ng mga ito sa posibleng paglikas ng mga residente.


Samantala, pinag-aaralan na ngayon ng pamahalaan ang pagbibigay ng tulong sa mga magsasakang apektado ng nagdaang bagyo para sa muling pagbangon makaraang dumapa ang mga tanim na palay.

Una nang nagpulong kahapon ang iba’t ibang sangay ng gobyerno na pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC).

Pinapayuhan naman ang publiko na maging alerto sa posibleng epekto ng bagyo sa probinsya.

Facebook Comments