Manila, Philippines – Nagkasundo ang gobyerno at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na ipagpatuloy ang naudlot na usapang pangkapayapaan.
Sa ilalim ng kasunduang nilagdaan sa The Netherlands, dapat kilalanin ang unang napagkasunduan sa mga nagdaang peace talk gayundin ang pagkilala sa joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees o JASIG na una nang ibinasura ng pamahalaan.
Nagkasundo rin ang dalawang panig na bubuo ng interim bilateral ceasefire at pagpapatuloy ng peace talk sa Abril.
Nagkasundo ring muling pakakawalan ang mga consultant na nahuli ng gobyerno dahil sa resumption ng JASIG.
Ang kasunduan ay nilagdaan nina GRP Chairperson Peace Panel Sec. Silvestre Bello III, Presidential Adviser on the Peace Process Sec. Jesus Dureza, NDF Chairman Fidel Agcaoili, NDF Panel Benito at Wilma Tiamzion at NDF Consultant Jose Maria Sison.