Gobyerno, hindi na dapat magpatupad muli ng mga lockdown

Para kay Senator Imee Marcos, dapat manatili ang kasalukuyang health protocols na ipinatutupad kahit tumataas na naman ang mga kaso ng COVID-19 sa ilang lugar sa bansa.

Giit ni Marcos sa Inter-Agency Task Force (IATF) na huwag nang magpatupad ng lockdown sakaling itaas muli sa Alert Level 2 ang National Capital Region (NCR).

Mungkahi ni Marcos sa publiko, mag-ingat na mabuti laban sa virus at magpabakuna.


Hinihikayat din ni Marcos ang lahat, lalo na ang mga lolo at lola na magpa-booster shot.

Samantala, kinumpirma rin ni marcos na muling nagpositibo sa COVID-19 ang kanyang anak na si Ilocos Norte Governor Matthew Marcos Manotoc.

Sabi ni Marcos, maayos naman ang kondisyon nito at nagpapagaling na.

Facebook Comments