Driver ng SUV na nanagasa sa sekyu sa Mandaluyong City, itinangging gumagamit ng iligal na droga

683

Pinabulaanan ng driver ng SUV na sumagasa sa security guard sa Mandaluyong City na siya ay gumagamit ng iligal na droga.

Ang pagtanggi ay ginawa ni Jose Antonio Sanvicente, ang pangunahing suspek sa naturang hit-and-run matapos itong bolunyaryong sumuko sa Camp Crame ngayong tanghali kasama ang kanyang mga magulang at abogado.

Ito ay makaraang sabihin ni Philippine National Police (PNP) Officer in Charge Police Lt. General Vicente Danao Jr., noong Lunes na baka “adik” ang driver ng SUV dahil walang tao na nasa matinong kaisipan ang sasagasa sa taong nakita niyang nabangga na.


Ipinauubaya naman ni Sanvicente sa kanyang abogado ang pagdedesisyon kung siya ang magpapa-drug test para patunayan na hindi siya “adik”.

Ngunit sinabi naman ni Atty. Dany Macalino, abogado ni Sanvicente na hindi siya handang magbigay ng rekomendasyon tungkol sa drug test dahil ang kinakaharap na kaso ng kanyang kliyente ay isang traffic violation lamang.

Facebook Comments