Imbestigasyon sa pagkamatay ng dating journalist na si Alfredo Lobo, nagpapatuloy

314

Nagpaabot ng pakikiramay ang National Press Club of the Philippines sa naiwang pamilya ni veteran newsman Alfredo Lobo.

Si Fred Lobo ay natagpuang patay sa loob ng kanyang condominium unit sa Malate, Manila.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa tunay na dahilan ng pagkasawi ni Lobo na hinihinalang ilang araw nang patay nang matagpuan ito.


Sinasabing pwersahang pinasok ng caretaker ng condominium building ang unit nito dahil nangangamoy na ang loob ng unit.

Facebook Comments