Manila, Philippines – Kailangang tapatan ng medical students ng paninilbihan sa bansa ang scholarship na ipagkakaloob sa kanila ng pamahalaan.
Ito ang inihayag ni Commission on Higher Education o CHED Commissioner Popoy De Vera sa ginanap na briefing dito sa palasyo.
Sabi ni De Vera, kapag hindi tinupad ng estudyante ang pagsi-serbisyo sa publiko ay kailangan nilang ibalik ang ginastos sa kanila ng pamahalaan na may kasamang intres.
Pakinggan natin ang pahayag ni CHED Commissioner De Vera.
Ayon kay De Vera, naglaan ang Duterte administration ng 317 million pesos para sa scholarship ng mga estudyante na kukuha ng kursong medisina sa walong state universities sa buong bansa.
Kinabibilangan ito ng:
= Mariano Marcos State University sa Ilocos Norte;
= University of Northern Philippines sa Ilocos Sur;
= Cagayan State University sa Region II;
= Bicol University sa Region V;
= UP College of Medicine sa lungsod ng Maynila;
= West Visayas State University sa Iloilo
= MSU in Iligan and Tawi-Tawi; at sa
= UP School of Health Sciences sa leyte.
Inaasahan ng CHED, na nasa 2 libong mag-aaral na kasalukuyang naka-enrol sa kursong medisina sa nasabing mga paaralan ang makikinabang sa programa na naka-pattern sa sistemang ilang taon ng ipinapatupad ng UP College of Medicine.
“Every year that you are given tuition assistance, you have to stay in the country one year. So if your medical program is four years, then you stay four. If it’s five, then you stay for five years.
The students and the parents have to sign a surety agreement. If you don’t comply with the terms, you return the tuition assistance of government plus interest. No, we have to take this seriously, ano, because it’s a contract that has to be observed. That contract is already existing in the UP, all the health-related courses in UP Manila are now covered by a return service agreement.”