MANILA – May kinalaman umano ang gobyerno sa mga kaso ng extra judicial killing sa bansa.Base ito sa dalawang buwang pag-aaral ng Amnesty International (AI), isang global movement na nagsusulong ng pagrespeto sa karapatang pantao.Ayon kay Wilnor Papa ng AI-Philippine campaigner, kabilang sa mga hawak nilang ebidensya ang mga pulis at hired killer na umaming binabayaran sila ng pulisya para pumatay ng mga drug suspek.Ayon pa sa mga nakausap nilang hired killer, mula sa dalawang napapatay nila kada buwan ay umakyat ito sa 12 hanggang 16 na katao mula nang pumasok administrasyong Duterte.Bagama’t ikinatuwa ng grupo ang pagtigil sa anti-drugs operation ng PNP, iginiit ni AI board of trustees sister Maria Vida Cordero na dapat pa ring imbestigahan ang nasa 7,000 kaso ng pagpatay.Mariin namang itinanggi ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang akusasyon at hinamon ang grupong ilabas ang kanilang ebidensya.Ipinagtanggol din ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang mga pulis.
Gobyerno, May Kinalaman Umano Sa Ejk
Facebook Comments