Matatagalan pa bago makarating sa Pilipinas ang mga bakuna kontra Monkeypox virus.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Dr. Nina Gloriani Chairperson ng Vaccine Expert Panel na posibleng sa susunod na taon pa magkaroon ng bakuna laban sa Monekypox virus.
Aniya, sa Amerika manggagaling ang bakuna at sa ngayon ay tinututukan na ang produksyon nito.
Ang mga bakunang nasa stockpile aniya ng Amerika ay prayoridad na mabakunahan ang US military at mga indibidwal na nagpositibo na sa Monkeypox virus at mga indibidwal na expose sa taong may Monkeypox virus.
Dahil sa matatagalan pa ang bakuna sa Pilipinas sinabi ni Dr. Gloriani na mahalagang mas dumami pa ang diagnostic laboratories test para agad matukoy kung positibo sa Monkeypox virus at maisagawa ang isolation.
Mahalaga rin aniya, maging malinis sa katawan at lagi pa ring sumunod sa sa health safety protocols gaya ng pagsusuot ng facemask.
Kaugnay nito, sinabi ni Dr. Gloriani na hindi naman daw mataas ang positivity rate ng Monkeypox sa bansa pero dapat pa ring maging maingat.