Nasa likod ng iligal na importasyon ng white onion, dapat tiyaking mapapanagot

66

Ikinadismaya ni Agri Party List Representative Wilbert Lee na talagang walang sinasanto ang mga nasa likod ng illegal importation na pumapatay sa kabuhayan ng mga magsasaka.

Pahayag ito ni Lee makaraang mabunyag ang umano’y iligal na importasyon ng white onions na nagkakahalaga ng ₱36 million na idineklarang spring roll patti at plain churros.

Giit ni Lee, dapat mapanagot ang nasa likod ng iligal na pag-angkat ng produktong pag-agrikultura sa pamamagitan ng pagpapabigat ng parusa laban sa mga ito.


Tiwala si Lee na darating din ang araw ng mga ito para pagbayaran ang kanilang ginagawang kabulastugan at panlalamang sa mamamayang Pilipino.

Ayon kay Lee, halatang minamanipula ang supply at presyo sa merkado ng mga agri product upang makapag-import ng libo-libong tonelada para patabain ang bulsa ng mga certified gahaman na nagpapakasasa habang nagdurusa ang marami nating kababayan.

Facebook Comments