Gobyerno ng China dapat magimbestiga at parusahan ang mga sakay ng fishing vessel na nagpalubog sa fishing vessel ng mga Pilipino

Hiniling ng Palasyo ng Malacanang sa Gobyerno ng China na imbestigahan para mapanagot ang mga Chinese fishermen na bumangga at nagpalubog sa fishing vessel ng mga Pilipino sa recto bank sa West Philippine Sea.

 

Nabatid na matapos banggain ay iniwan na lamang ito ng Chinese Vessel, buti na lamang ay malapit lang sa lugar ang isang Vietnamese fishing vessel na siyang nagligtas sa 22 Pilipinong mangingisda.

 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, hindi dapat ito palampasin ng Chinese Government at dapat nitong imbestigahan ang insidente at panahutin ang mga tripulante ng Chinese Fishing vessel na bumangga sa fishing vessel ng mga Pilipino.


 

Inihayag din ni Panelo na matapos ang insidente ay agad na gumalaw ang lahat ng kaukulang tanggapan ng Pamahalaan para matulungan ang mga mangingisda na dakay ng lumubog na fishing vessel.

 

Una nang ikinagalit ng Malacanang ang insidente kung saan tinawag nitong barbaric o hindi makatao ang ginawa ng Chinese fishermen matapos iwan ang sakay ng binanggang fishing vessel.

Facebook Comments