Showbiz – Hindi maitago ni Dra. Vicki Belo ang excitement niya sa nalalapit na kasal nila ng kapwa celebrity doctor na si Hayden Kho Jr.
Pero ang mas pinag-uusapan ngayon ay ang bonggang wedding motif nila na gold.
Ito’y matapos na i-post ni Belo sa instagram ang gagamitin niyang gold bridal shoes na gawa ng Charlotte Olympia Gold.
May caption ito na, “just like a pair of heels, if someone is meant for you, they will fit perfectly.”
Ang Octavia Sandals ay nagkakahalaga ng P53, 793.
Sa September 2 na ang kasal nina Belo at Kho sa Paris, France.
Facebook Comments