GOOD NEWS | Crime rate sa Metro Manila, bumaba ng 49%

Manila, Philippines – Bumaba ng 49 percent ang crime rate sa Metro Manila sa unang dalawang taon ng Administrasyong Duterte.

Ayon kay NCRPO Director General Guillermo Eleazar, pinakamalaking pagbaba ay sa mga kaso ng carnapping.

Mula sa 1, 432 na carnapping incident sa Metro Manila noong huling dalawang taon ng nakalipas na administrasyon 347 na lang ang naitala sa unang dalawang taon ng Administrasyong Duterte.


Bumaba naman ng 25 percent ang kaso ng crime against person at 58 percent sa nakawan.

Facebook Comments