Manila, Philippines – Sasalubungin ng panibagong big time oil price rollback ang mga motorista sa Lunes.
Kahapon, nauna nang nagpatupad ng bawas-presyo ang kompanyang Phoenix petroleum… P1.65 sa kada litro ng gasolina at P0.60 naman sa diesel.
Habang kaninang alas 12:01 ng madaling araw, kaparehong tapyas din ang ipinatupad ng seaoil, at P0.65 na bawas sa presyo ng kada litro ng kerosene.
Bukas naman aarangkada ang rollback ang Flying V at Petron, P1.50 sa gasolina, P0.60 sa diesel at P0.65 sa kerosene.
Kaparehong bawas-presyo rin ang ipatutupad ng Petro Gazz maliban sa kerosene.
Dahil sa tatlong magkakasunod na rollback, tinatayang aabot sa mahigit P4.00 kada litro na ang nabawas sa presyo ng gasolina habang P2.00 naman sa diesel.
Pero bago ito, siyam na magkakasunod na oil price hike ang tumama sa mga motorista.