Manila, Philippines – Balak ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na maipatupad na ang free Wi-Fi sa mga pampublikong lugar sa bansa sa lalong madaling panahon.
Ito ay sa kabila ng ilang mga tinanggihang bidder ng Philippine International Trading Corporation (PITC) dahil sa kakulangan ng mga dokumento.
Ayon kay DICT Officer-In-Charge Undersecretary Eliseo Rio, pwede pang sumali ang mga ni-reject na bid sa April basta at makumpleto lang ang mga requirement.
Sa ngayon ay nasa 19 na ang nakakapasa sa PITC.
Plano ng gobyerno na maglagay ng nasa 7,000 Wi-Fi access points sa mga probinsya ngayong taon.
Facebook Comments