Jordan – Sinaksihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lagdaan ng 9 kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at ng ilang Jordanian companies na maglalagak ng investment sa Pilipinas.
Nilagdaan ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez ang ibat-ibang kasunduan kung saan kabuoan ay umabot sa 2 memorandum of agreement at 7 letter of intent ang nalagdaan sa harap ng Pangulo na nagkakahalaga ng 64.6 million US dollars.
Sa business forum ay inimbitahan ni Pangulong Duterte ang mga Jordanian businessmen na maglagak ng investment sa bansa kung saan tiniyak ni Pangulong Duterte sa mga ito na handa ang Pilipinas na tanggapin ang kanilang mga negosyo at tiniyak ng Pangulo na kikita ang mga ito.
Tiniyak din ng Pangulo na hindi makakaranas ng katiwalian ang mga Jordanian investors at sakali naman aniyang may maranasang katiwalian ay agad itong isumbong sa kanya.