GOOD NEWS | Mga pamilya ng mga benepisaryo ng 4Ps, sasailalim sa call center at livelihood training

Manila, Philippines – May bagong oportunidad para sa livelihood at posibilidad na sanayin bilang mga call center agents ang mga miyembro ng pamilya ng mga benepisaryo ng sustainable livelihood program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ito ay kasunod ng ginawang paglalagda ng isang memorandum of understanding ng DSWD at ng pinakamalaking business process outsourcing companies sa Cebu City.

Sa ilalim ng kasunduan, hahawakan ng Qualfon Philippines ang call center training, pre-employment screening at sa processing ng claims ng mga benepisaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) gayundin ng mga nasa talaan ng National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR) o listahanan ng DSWD sa mga rehiyon sa bansa.


Pinasalamatan naman ni DSWD Secretary Virginia Orogo ang Qualfon sa oportunidad dahil mabibigyang kapangyarihan ang mga benepisaryo ng ahensya na makakuha ng dagdag na kakayahan at kagalingan.

Sa pamamagitan nito ay mabibigyan sila ng disenteng livelihood na maipapantustos sa pangangailangang pangkalusugan at edukasyon ng mga miyembro ng kanilang pamilya.

Facebook Comments