GOOD NEWS | Video ng nagviral na reklamo ng Korean, agad niresolba ng CIAC!

Pampanga – Nagsagawa ng agarang imbestigasyon ang pamunuan ng Clark International Airport Corporation o CIAC, ang katulong ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA), kaugnay sa kumakalat na video ng Korean couple, kung saan nagrereklamo ang mga ito sa paraan ng pagmamanage sa kanilang mga bagahe na agad namang naresolba ng CIAC sa loob lamang ng dalawampu’t apat na oras.

Ayon sa inilabas na Report ng CIAC, Sinuri ng CIAC ang footage ng CCTV camera na nakalagay sa final security screening area na hawak ng Office Transportation Security kung saan napatunayan na walang nakalagay na e-cigarette vape sa tray na siya namang sumasalungat sa nabanggit sa social media post. Nakita rin umano ng OTS staff na iniabot agad sa mga ito ang relo pagkatapos makuha ng mga ito ang kanilang mga bagahe mula sa X-ray screening area.

Nakipag coordinate din ang CIAC sa mga kamag anak ng magkasintahang koreano sa Zambales upang alamin ang mga detalye ng nangyaring insidente. Sa isinagawang media briefing, ang presidente ng CIAC Alexander Cauguiran at Customs Port of Clark District Collector Marites Martin ay pinakita ang mga gamit na dala ng magkasintahan. Isang bag at ilang mga cosmetics ang natagpuan ng Bureau of Customs (BOC) na nagkakahalagang US$677 o higit sampung libo, at ang mga nakumpiskang mga kagamitan ay isinailalim sa Customs Modernization and Tariff Act.


Muling ipinahayag ng CIAC na higpitan ang anti-pilferage measures sa airport na kinasasakupan ng lahat ng tauhan ng airline, security providers, at ilang mga ground handling companies. Kasama na rin dito ang paggamit ng mga body camera at pag-install ng karagdagang mga CCTV sa baggage conveyor area. Ang mga pasahero ay maaaring lumapit sa assistance desks ng airport 24/7 upang makasiguro na hindi magkaroon ng problema ang kanilang pagbiyahe.

[image: Inline image 1]

Facebook Comments