PAALALA | MMDA, nag-abiso sa mga motorista hinggil sa rehearsal sa people power monument

Manila, Philippines – Paalala sa mga motorista dahil magsasagawa ng rehearsal ang National Historical Commission of the Philippines sa People Power Monument sa darating na araw ng Biyernes Feb. 23.

Sa abiso ng MMDA ang ensayo ay isasagawa ng alas 8 ng umaga.

Ito ay may kaugnayan sa ika-32 anibersaryo ng EDSA people power.


Kaya paalala ng MMDA sa mga motorista umalis ng mas maaga o gumamit ng mga alternatibong ruta dahil paniguradong magkakaroon ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa EDSA Northbound lane sa Biyernes.

Inaasahan kasing magkakaroon ng aktibidad sa EDSA people power monument sa Linggo, 32nd anniversary ng EDSA people power.

Facebook Comments