Good vibes: Lalaki, pinakuluan ang buong malunggay matapos mapuno sa dakdak ng babae

1994
Screenshot from the video by Joshdrey Galolo

Viral ang video ng isang lalaking magpapakulo sana ng dahon ng malunggay, kaso tila napuno kaka-mando ng babaeng kasama nito.

Sa video na ini-upload ni Joshdrey Galolo sa Facebook, naghihimay ng dahon ang lalaki habang patuloy na nagsasalita ang babae kung paano aniya ang tamang paghihimay.


Sa kalagitnaan, tinitigan ng lalaki ang babaeng nagsasalita pero patuloy pa rin ito sa pagpapaala at pagpuna.

“O da, ‘yung tangkay, hay naku, isa-isahin mo lang ‘yan… ay magpait yan… ay naku…”

Mamaya, hindi na nakatiis ang lalaki, inilagay sa kumukulong tubig pati ang tangkay ng malunggay na hinihimay niya at tinakpan ito.

“Mas marunong ka pa sa nagluluto, a!” sabi ng lalaki pag-alis nito.




PANOORIN:

Facebook Comments