GOOGLE TRENDS | Kyline Alcantara, pasok sa ‘2018 Most Googled Female Personality’

Pasok sa ‘Top 10 Most Googled Personalities in 2018’ ang kapuso young actress/ singer na si Kyline Alcantara.

Pahabol na achievement ito para sa aktres, bago matapos ang taong 2018.

Lubos naman ang pasasalamat ni Kyline sa kaniyang mga fans, na tinawag niyang sunflower.


Sa listahan ng Google trend, panglima ito sa pwesto, kung saan nanguna sina Duchess of Sussex Meghan Markle, pangalawa si Nancy ng Momoland, pangatlo si Hailey Baldwin at pang apat naman ang grupong Momoland.

Facebook Comments