Gov. Mamba, ‘Di Papayagan ang Home Quarantine

Cauayan City, Isabela- Nakikiusap si Cagayan Governor Manuel Mamba sa lahat ng mga alkalde at punong barangay sa Lalawigan na huwag payagan ang home quarantine sa lahat ng mga positibo sa COVID-19.

Ayon sa Gobernador, paraan aniya ito para hindi dumami ang kaso ng COVID-19 sa Lalawigan lalo na sa Lungsod ng Tuguegarao.

Paliwanag ni Gov. Mamba na kailangang bantayan at i-monitor ng mga barangay volunteers ang quarantine facility ng mga positibo sa mga isolation.


Dapat aniyang bantayan ng mga Barangay Health Workers, Barangay Nutrition Scholars, Daycare Workers at mga Tanod ng barangay ang mga COVID-19 positive upang matiyak na hindi nakakalabas sa isolation area.

Pagdating sa isolation centers ay una nang namahagi ang Gobernador mula sa Kapitolyo ng halagang Php100,000.00 sa bawat barangay upang magamit sa pagmintina ng isolation facility.

Hiniling nito ang pakikipagtulungan ng bawat Cagayano upang masugpo ang COVID-19 at huwag dapat aniyang hayaan na madagdagan ang bilang ng mga namamatay sa nasabing virus.

Facebook Comments