Gov. Mamba, Nanawagan ng Pagkakaisa upang Tugunan ang Isyu sa Climate Change

*Cauayan City, Isabela*-Muling hiniling ni Cagayan Gob. Manuel N. Mamba sa publiko ang pagkakaisa upang tugunan ang tumitinding problema sa isyu ng climate change matapos maranasan ang malawakang pagbaha na lubos na nakapaminsala sa malaking bahagi ng Probinsya.

Nais din ng Gobernador na lalo pang mapalakas ang mga organisasyon sa barangay upang mas mapaigting ang kanilang boses para isumbong ang mga kawani ng gobyerno na nangunguna sa pagsira sa kalikasan o nagsasagawa ng iligal na pamumutol ng kahoy.

Samantala, inaasahan naman ang pagbisita ni Agriculture Secretary William Dar anumang araw ngayong lingo para magsagawa ng aerial inspection sa pinsalang iniwan ng nagdaang pag uulan na dahilan para makaranas ng pagbaha sa sektor ng agrikultura.


Sa kabila ng epektong iniwan ng nagdaang magkakasunod na bagyo ay nagkaloob naman ng tulong ang Mercury Drug Foundation Inc. sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ng mahigit P90 libong halaga ng gamot para sa mga Cagayanong biktima ng baha.

Labis naman ang pasasalamat ng Gobernador sa donasyong ibinahagi ng nasabing Foundation at pagtitiyak ng Pamahalaang Panlalawigan na higit itong makakatulong sa mga nangangailangan.

Facebook Comments