*Cauayan City, Isabela*- Tutol ang Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Vizcaya sakaling mabigyan ng operasyon ang malaking minahan na Oceana Gold Phils. sa Didipio, sa Bayan ng Kasibu matapos magpaso ang kanilang renewal ng FTAA.
Ayon kay Gov. Carlos Padilla, ito ay batay umano sa hindi magandang dulot ng pagmimina ng nasabing kumpanya at matapos ang naging dayalogo nito kay DENR Sec. Cimatu kaugnay sa estado ng kumpanya ay hihintayin na lamang ang magiging desisyon ni Pangulong Duterte kung bibigyan ng pagkakataon na muling mag-operate ang nasabing kumpanya.
Kaugnay nito, Kinondena naman ng grupong ‘United Didipio Community for Development’ sa kanilang facebook page ang di umano’y pagdiin ni Gov. Padilla sa Mines and Geosciences Bureau (MGB) dahil naman sa umano’y iligal na operasyon ng small-scale mining sa lugar at isang dahilan na nagpaparumi sa Camgat-Surong River.
Batay sa nakasaad sa RA 7076 o ‘People’s Small-scale Mining Act of 1991’ na ang Provincial Mining Regulatory Board (PMRB) ay siyang namamahala sa ganitong uri ng maliit na pagmimina
Paliwanag pa ng grupo na walang katotohanan na ang tubig sa Dinayuan River ay malinaw matapos matigil ang operasyon ng kumpanya.
Matatandaang itinaas ng DENR ang classification ng ilog mula sa minahan bilang ‘CLASS B’ na dati namang nasa ‘CLASS D’ dahil mas naging maayos ang estado ng tubig sa lugar ng minahan.