Government arsenal, hiniling ng Senado na palakasin pa

Pinabibigyan ng sapat na pondo ng Senado ang government arsenal na responsable sa produksyon ng armas at bala para sa militar at pulisya.

Sa pagding sa panukalang 2023 budget ng Bases Conversion and Development Authority o BCDA, nais nina Senators Ronald dela Rosa at Mark Villar na palakasin pa ang government arsenal ng bansa.

Tinukoy ni Dela Rosa na maraming taon na palang hindi nabibigyan ng sapat na pondo ang government arsenal at ito ay malinaw na paglabag sa batas ukol sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).


Hindi aniya dapat pabayaan ang government arsenal dahil mahalaga ang papel nito sa pagtiyak na laging sapat ang mga armas at baka ng mga sundalo at pulis.

Sinuportahan ito ni Villar sabay giit na dapat palakasin ang depensa ng bansa upang maging independent tayo at hindi lamang aasa sa importasyon ng mga armas ng bansa.

Facebook Comments