PANGPPO NAGHAHANDA NA PARA SA UNDAS 2022; TOURIST SPOT MAHIGPIT NA BABANTAYAN

Naghahanda na ang Pangasinan Police Provincial Office para sa nalalapit na obserbasyon ng Undas 2022.
Ayon kay PCOL Jeff Fanged ang Officer-in-Charge ng PANGPPO, ngayong linggo nakatakdang magsagawa ng command conference o pagpupulong ang lahat ng chief of police sa lalawigan para sa ilalatag na security plan.
Sinabi ng opisyal na inaasahang dadagsa ang mga kababayang uuwi sa Pangasinan maging ang pagdagsa ng mga turista.

Dahil dito, mahigpit na babantayan ng kapulisan sa pangasinan ang mga tourist spot gaya ng simbahan, beaches at marami pang iba.
Sisiguraduhin aniya ng PANGPPO na magiging ligtas ang lahat sa nasabing obserbasyon dahil sa deployment ng higit 3000 kapulisan sa lalawigan. | ifmnews
Facebook Comments