
Cauayan City – Arestado ang isang government employee sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Centro, Peñablanca, Cagayan.
Kinilala ang suspek na si alyas “Anton” na residente ng nasabing lugar.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang caliber 9mm pistol na may magazine at sampung live ammunition, isang bag, isang genuine ₱1,000 bill, 29 pirasong boodle money na tig-₱1,000, isang cellphone, at karagdagang 20 live ammunition para sa caliber 9mm.
Matapos ang imbentaryo, dinala ang suspek sa Peñablanca Police Station para sa karagdagang imbestigasyon at tamang disposisyon.
Samantala, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Facebook Comments









