Schedule Ng Aktibidad Para Sa Kapistahan Ng Poong Itim Na Nazareno – Inilabas Na…

29

MANILA – Inilabas ng pamunuan ng minor basilica of the black nazarene ang schedule ng aktibidad para sa kapistahan ng traslacion ng poong itim na nazareno para sa enero 2017.Sa enero 7, araw ng sabado ay isasagawa ang prosisyon ng mga replika ng mga imahe ng poong itim na nazareno, simula alas dos ng hapon at mag iikot sa paligid ng quiapo, maynila.Sa enero 8 naman, araw ng linggo ay isasagawa ang fiesta vigil sa quirino grandstand kung saan idaraos ang tradisyunal na pahalik sa poong nazareno.Araw ng lunes…anuwebe ng enero ang mismong kapistahan ng traslacion ng poong itim na nazareno kung saan isang eucharist celebration o misa ang isasagawa sa quirino grandstand ng alas dose ng hating gabi at sa umaga naman ay ang tradisyunal na prosisyon ng itim na nazareno mula grandstand pabalik ng simbahan ng quiapo.Kaugnay nito, pinaplantsa na ng simbahan at manila police district ang seguridad sa araw ng traslacion ng itim na nazareno, na inaasahang dadaluhan ng milyong milyong deboto.

Facebook Comments