Nais isulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang government to government talks para matugunan ang tumataas na presyo ng ferilizers sa bansa.
Sa ginanap na pulong sa pagitan ng pangulo at mga opisyal ng Department of Agriculture (DA), sinabi ng pangulo na gusto nitong tulungan ng ibang bansa ang Pilipinas sa usaping ito.
Pinag-aaralan ng pangulo ang pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa gobyerno ng China, Indonesia, UAE, Malaysia, at Russia, para sa procurement ng fertilizers.
Makakatulong aniya kung susulatan niya ang mga bansang ito at ipapaalam ang kahandaan ng Pilipinas na bumili ng fertilizer.
Matatandaang na una nang ipinag-utos ng pangulo sa mga opisyal ng DA na bigyan siya ng datos, kaugnay sa kasalukuyang source at prices ng mga fertilizer, maging ang distribution plan ng DA sa kasagsagan ng planing season.
Ilan pa sa mga una nang natalakay sa pulong ay ang pagpapatatag sa farm to market road program, at pagtitiyak ng sapat at abot-kayang pagkain para sa lahat ng mga Pilipino.