Binata, Nagpatiwakal matapos Hindi Payagan ang Girlfriend na Sumama sa Birthday Celebration

25
Cauayan City, Isabela- Nagpakamatay umano ang isang lalaki matapos na hindi payagan na sumama sa kanya ang kasintahan na dumalo sa isang birthday celebration sa Brgy. San Lorenzo, Buguey, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si alyas “Jay-jay”, 28-anyos, binata, isang magsasaka at residente ng Brgy. Cullit, Camalaniugan, Cagayan.

Una rito, nakatanggap ng tawag ang mga kasapi ng Camalaniugan Police Station mula sa netizen para ipagbigay alam ang umano’y insidente ng pagpapakamatay.

Pasado alas-6:00 ng umaga noong July 18, 2022 ng madiskubre ang wala nang buhay na katawan ng biktima habang nakabitin ito sa kisame gamit ang higit kumulang anim na metrong haba ng tali.

Lumalabas pa sa imbestigasyon na posibleng nagkaroon ng emotional depressed ang biktima dahil sa hindi pagpayag na sumama sa kanya ang kasintahan sa isang selebrasyon.

Hinihintay pa ang resulta ng ginawang postmortem examination para matukoy ang totoong sanhi ng pagkamatay ng biktima.

Facebook Comments