Governor Albano: "Disenteng Tao, Incorruptible at may Respeto sa Tao si PNoy"

Cauayan City, Isabela- Inalala ni Isabela Governor Rodito Albano III ang masasayang panahon na nakasama nito noong nabubuhay pa ang namayapang si dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Sa panayam ng iFM Cauayan kay Gov. Albano, inilarawan niya ang galing ni Aquino sa nakahiligang paggamit ng baril

Bukod pa dito, pihikan aniya umano ang dating Pangulo sa pagpili ng mga babae kung kaya’t posibleng isang dahilan na hindi na ito nakapag-asawa pa.


Labis-labis naman ang pasasalamat ni Albano sa dating pangulo dahil sa mga tulong na ipinaabot nito sa probinsya partikular ang pagtatayo ng dalawang malaking tulay sa ilalim ng administrasyong Aquino.

Ayon pa kay Albano, matagal na umano niyang napapansin ang laki ng ipinagbago sa pangangatawan ng dating pangulo bago pa man ito bawian ng buhay kahapon dahil sa sakit na renal disease secondary to diabetes.

Si Governor Albano at dating Pangulong Aquino ay magkaklase taong 1977.

Samantala, isinalarawan pa niya si PNoy na hindi mayabang, disenteng tao, incorruptible at inirerespeto umano ng dating pangulo ang mga tao.

Facebook Comments