Governor Elect ng Maguindanao manunumpa sa Malacañan Palace

16

Sa Malacañan Palace nakatakdang matitake-oath si Maguindanao Governor Elect Bai Mariam Sangki –Mangudadatu. Inaasahang gagawin ito sa June 25, 2019.
Sinasabing mismong ang Presidente Rody Duterte ang mangunguna sa okasyon.
Inaasahang makakasama ni GMSM sa maituturing na makasaysayang araw ang pamilya nito at ilang mga kaalyado.
Sa panayam ng DXMY, mariing inihayag ni GMSM na magiging prayoridad nito ang Poverty Reduction, Peace and Order, ang pagbibigay ng magandang serbisyong Pangkalusugan at Edukasyon.
Samantala, nakatakda namang gagawin ang Mass Oath Taking ng mga nanalong opisyal ng Maguindanao sa June 30, sa Provincial Capitol, sa Shariff Aguak.
Nauna na ring inihayag ni GMSM na magsisilbi ito ng tapat sa kanyang mga kababayan sa Maguindanao.

Facebook Comments

From Advertisers