PANOORIN: Trailer ng “Family History” na bida sina Michael V. at Dawn Zulueta

94
Image via Facebook/GMA Pictures

Nitong Linggo, ipinalabas na sa publiko ang trailer ng pelikulang “Family History” na pagbibidahan nina Michael V. at Dawn Zulueta.

Batay sa teaser, mukhang maraming manonood ang makakarelate sa kuwento dahil ipinakita dito ang iba’t-ibang problemang pinagdadaanan ng buhay may asawa.


“Kahit minsan ba, hindi dumaan sa isip mo na mambabae?”, tanong ni May (Dawn Zulueta) sa asawa nitong si Alex (Michael V. Sa totoong buhay, madalas itong sabihin ng mga babae sa kanilang mister.

Tumatak din sa publiko ang hugot ni May na, “Importante rin pala ‘yung pinararamdam niya sa ’yong mahal na mahal ka niya.” 

Kasama din sa “Family History” sila Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Paolo Contis, Kakai Bautista at Ina Feleo.

Ang pelikula ay prinoduce ng GMA Pictures Mic Test Entertainment, Inc. at idinirek mismo ni Michael V.

Mapapanood ito sa mga sinehan sa Hulyo 24.

Panoorin ang trailer ng Family History umani sa ngayon ng mahigit 1.2 million views:

 

 

Facebook Comments

From Advertisers