Tinadtad ng batikos ang Grab Philippines dahil sinakyan nila ang kontrobersiyang kinasasangkutan ng aktor na si Gerald Anderson.
Nakasaad sa viral post ng Grab ang mga katagang: “Walang kailangang maiwan. Walang kailangang masaktan. Sa grabcar 6-seater, pwedeng magsabay-sabay.”
Kalakip ng mensahe ang picture ng anim na aktres na sina Bea Alonzo, Sarah Geronimo, Kim Chiu, Maja Salvador, Julia Barreto at 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.
Negatibo ang reaksyon ng mga netizens dito at ginagamit ang isyu para isulong ang kanilang sebisyo.
Humingi na ng paumanhin ang Grab hinggil dito at tinanggal na ang nasabing post.
Facebook Comments