Grab, binigyan ng 5 araw ng LTFRB para magsumite ng position paper sa kanilang short trips

Tinapos na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagdinig nito sa isyu ng surcharge prices ng Grab Philippines.

Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, panghuli na ang pagdinig na isinagawa ngayong araw.

Pinagsusumite na lang nito ang Grab Philippines ng position paper o mga datos na nagpapakita kung ilang ulit itong naniningil ng minimum base fare na P85 sa kada short trips.


Limang araw ang ibinigay ng ahensya sa Grab para magsumite ng mga datos.

Ani Guadiz, posibleng sa first week ng February ay makapaglabas na ito ng desisyon kaugnay sa surge sa sinisingil na pasahe sa Grab.

Facebook Comments