Nahaharap sa reklamo ang isang Grab driver matapos umanong itaas ang palda ng babaeng pasaherong nakatulog sa kaniyang sasaskyan habang nasa gitna ng biyahe.
Sa pamamagitan ng social media, ikinuwento ng biktima ang kalunos-lunos na sinapit umano sa kamay ng tsuper.
“My skirt is below the knee and even if I was asleep, of course I can feel if someone was tugging at my skirt. I rode in the back so why did he even try to touch my skirt? I felt his finger under the skirt as if he was about to peek and that was when I sat up, surprised,” panimulang mensahe ng biktima.
“I acted like nothing happened. The guy tried to talk to me but I tried to speak calmly coz I was really sick & any movement made me puke. I was still registering in my head “Did that happen?” but I know it did coz his hands were supposed to be on the steering wheel, not my skirt,” sabi nito sa karugtong na post.
Ayon pa sa pasahero, hindi agad pinansin ng Grab ang kaniyang sumbong kaya napilitan siyang i-post ang hinaing sa Twitter.
Pero sa halip na tulungan, tinanong ng isang empleyado ng ride-hailing app kung totoong na-harass siya at bakit hindi agad ipinagbigay-alam sa kinauukulan.
Giit ng biktima, “I spent over 500 pesos to feel safe and unbothered going home & this guy does this to me,”
Sa kabila nito, humingi ng paumanhin ang Grab sa biktima at sinabing pagtutuunan nila ang insidente.
Pagtitiyak ng pamunuan, paparusahan at matatanggal sa serbisyo ang inirereklamong drayber kapag napatunayang nagkasala.