Grab drivers, isasalang na sa pagsasanay ng PNP HPG

Manila, Philippines – Isasalang na ang ilang Grab drivers sa pagsasanay na ibibigay ng PNP Highway Patrol Group.

Ngayong araw ay isang memorandum of agreement ang pinirmahan ng PNP HPG at Grab Philippines para regular nang maisalang sa pagsasanay ang mga Grab driver.

Ayon Brian Matthew Cu, Grab Philippines Country Director, titiyakin ng kanilang grupong tutupad sila sa mga nakasaad sa pinirmahang MOA.


Habang sinabi naman ni PNP HPG director police chief Supt. Arnel Escobar, na makakaasa silang makakatulong ang Grab Philippines na mabawasan ang krimen sa bansa.

Ito ay kasunod ng mga report na may mga Transport Network Vehicles Service o TNVs na nagagamit sa pag-transport ng iligal na droga.

Panawagan ni Escobar sa mga Grab drivers na maging mapagmatyag sa mga ikinakarga o isinasakay sa kanilang mga sasakyang upang hindi mabiktima ng masasamang loob at maprotektahan ang mga pasahero.

Ang pagsasanay para sa mga drivers ay nakatuon sa Road safety and security partikular sa road courtesy and traffic and safety laws, road crash.

Gagawin ito tuwing linggo sa PNP HPG headquarters sa Camp Crame.

Facebook Comments