Grab food driver, arestado sa Maynila matapos mahulihan ng beer in cans

Inaresto ng mga pulis sa Maynila ang isang Grab food driver matapos na makita ng mga otoridad sa kanyang delivery box ang labing-isang klase ng beer in cans nang parahin ito sa checkpoint sa Pandacan, Manila.

Kinilala ng Manila Police District (MPD) ang suspect na si John Carlo Luces, 23 years old at residente ng Mangahan, Pasig City.

Ayon kay Luces, hindi niya alam na may umiiral na liquor ban.


Ang suspect ay sasampahan ng kasong paglabag sa alcohol ban sa Manila City Prosecutor’s Office.

Facebook Comments