Grab, parurusahan din sakaling mapatunayang nag-o-overprice ayon sa LTFRB

Manila, Philippines – Nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Grab na napaulat na nagtataas ng singil sa kanilang mga pasahero ng hanggang doble sa regular na pasahe matapos masuspinde ng isang buwan ang operasyon ng Uber.

Ilang reklamo na rin kasi ang lumutang laban sa Grab na ayon sa commuters ay sinasamantala ang suspension ng Uber kaya nagtaas sila ng pasahe o price ceiling.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, iimbestigahan nila ang ganitong mga sumbong at sakaling mapatunayang umabuso ay siguradong parurusahan nila ang Grab.


Umapela naman si Delgra sa publiko na sakaling makaengkwentro ng mahal na pasahe sa Grab ay agad itong isumbong sa kanilang tanggapan para agad na bigyang pansin.

Facebook Comments