Manila, Philippines – Pinulong ngayon ng pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang Grab, Uber, Uberhop para sa public hearing sa Transport Network Vehicles Services Accreditation.
Ayon kay LTFRB Spokesperson at Board member Atty. Aileen Lizada
kasalukuyang tinatalakay ngayon sa public hearing kung papayagan nilang mabigyan ng Accreditation kung saan napaso noong nakaraang linggo.
Tinatalakay din ngayon sa naturang pagdinig kung ano ang gagawin ng LTFRB sa mga kolorum na aktibidad ng ilang Grab, Uber at Uberhop na namamasada sa ibat ibang lugar sa Metro Manila.
Paliwanag ni Lizada mahalaga ang kaligtasan ng mga commuter dahil kung ano ang mangyayari sa kanila ay mayroon silang matatanggap na Insurance kaya dapat nilang busisihin ng husto kung sinu-sino ang mga sasakyan na Accreditated ng ahensya.
Ipinagtataka ni Lizada kung bakit mahigit pitong libo ang namamasadang Uber, Grab at Uberhop sa lansangan gayong tatlong libong lamang ang accredited sa kanilang tanggapan.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558