Grade 9 student patay sa suntok ng kanyang kaklase sa Pigcawayan North Cotabato

Nasa custody na ngayon ng DSWD Pigcawayan sa North Cotabato ang 15 anyos na Grade 9 student na isinasangkot sa kamatayan ng kanyang 17 anyos na kaklase.
Sa naging panayam ng DXMY kay Major Reynado Delantien, hepe ng Pigcawayan Municipal Police Station, base sa kanilang imbestigasyon , nagsimula sa simpleng kantyawan, na nauwi sa pikunan , suntukan at kamatayan ng istudyante ang pangyayari.
Mag-aalas kwatro ng hapon habang naglilinis ng kanilang silid aralan ang magkaklase na mangyari ito dagdag pa ni Major Delantien. Sapul sa panga ang natamo ng 17 anyos na biktima mula sa suntok ng kanyang 15 anyos na kaklase.
Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit binawian rin ng buhay. Lubos naman ang hinagpis ng ina ng biktima sa di inaasahang pangyayari. Habang desido ang mga ito na sampahan ng kaso ang responsable sa kamtayan ng kanilang anak ayon pa sa PNP.
Inaantay pa ng DXMY ang Official Statement mula sa pamunuan ng Pigcawayan National High School.
PIC from the FB Page of PNHS

Facebook Comments