Manila, Philippines – Umaasa ang Palasyo ng Malacañang na sanay magsilbing aral o paalaala sa mga opisyal at mga empleyado ng Gobyerno na silang lahat ay accountable sa taumbayan na kanilang pinagsisilbihan.
Ito ang sinabi ng Malacañang bilang reaksyon matapos hatulan ng Guilty ng Sandiganbayan si dating First Lady Imelda Marcos sa 7 bilang ng kasong Graft.
Ayon kay Presidential Spokesman at Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, bilang mga public servants, dapat ay gampanan nila ang kanilang mga tungkulin ng mayroong professionalism at fidelity at pinakamahalaga may integridad.
Binigyang diin din naman ni Panelo na hindi kailanman nakialam at makikialam ang Executive Department sa ibang independent branch ng gobyerno kaya iginagalang nila ang desisyon ng Sandiganbayan sa kaso ng dating unang Ginang.
Sinabi din naman ni Panelo na mayroon pa namang legal remedies na maaaring gawin si Congresswoman Marcos pero patunay ito na umaandar ang patas na Justice system sa bansa.